• Kapag nagkaroon ng ring sa paligid ng moon kinagabihan, uulan kinabukasan.
• Mababa ang lipad ng mga ibon at humahapon sila sa mas mababang lugar kapag may darating na bagyo.
• May darating na ulan kapag walang tigil ang paghihilamos ng pusa sa kanyang mukha at susundan pa ito ng pagkalmot sa wooden surface (poste, furniture) o puno.
• Uulan kung maraming ibon ang nakadapo sa cable ng telepono. Kung saan sila nakaharap, doon magmumula ang ulan.
• Kapag may nakitang gagamba sa umaga na naghahabi ng kanyang sapot, nagbabadya ito ng magandang panahon sa maghapon.
• Mas mataas ang ulap, mas maganda ang panahon.
• Kung ulap ay nagkokorteng malalaking tipak ng bato, higanteng cauliflower o mataas na kastilyo, asahan ang pabugsu-bugsong pag-ambon sa maghapon.
• Kapag umuulan habang may sikat ng araw, hindi ibig sabihin noon ay may ikinakasal na aswang. Palatandaan iyon na tatagal ang ulan ng 30 minutes or less.
• Kung namumuo ang asin sa inyong salt shaker dahil sa mamasa-masa ito, palatandaan ‘yun na magiging maulan ang panahon.
• Kung ang mga langgam ay maayos na nakapila nang straight line, uulan. Kapag nakakalat sila, fair weather.
• Magandang mangisda kung ang hangin ay nagmumula sa West. Huwag papalaot kung nagmumula sa North.
• Uulan kapag ang ibong gaviota/bako (seagull) ay nakitang bumaba o humapon sa buhanginan.
• Ang pagbaba ng mga usa mula sa bundok ay nagbabadya ng paparating na bagyo pagkalipas ng dalawang araw.