^

Punto Mo

Pinakamalaking talong sa buong mundo, inani ng isang farmer sa U.S.!

MGA KWENTONG KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang magsasaka sa Iowa, U.S.A. na mahilig magtanim ng mga malala­king gulay ang nakapag-ani nang pinakamalaking talong sa buong mundo!

Limang taon ng nagtatanim ng talong ang giant vegetable enthusiast na si Dave Bennet kaya laking tuwa niya nang makapag-ani siya ng talong na may bigat na 8.33 pounds.

Upang mapatunayan na siya ang may pinakama­laking talong, agad niyang ipinatawag si Inspector Ivan Hankins ng Iowa Department of Agriculture at Land Stewardship’s Iowa Weights and Measures Bureau.

Matapos suriin ni Hankins ang talong ni Bennet, nakumpirma na ito nga ang pinakamalaki sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, nakiki­pag-coordinate na si Bennet sa Guinness World Records at nagsusumite na siya ng aplikasyon dahil ang ­previous record sa naturang records keeping organization ay 7.21 pounds lamang. Masyadong malaki ang talong ni Bennet.

U.S.A.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with