^

Punto Mo

IGL sa Pampanga, sangkot sa human ­trafficking!—Francisco

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SABAY-SABAY na nilusob ng mga ahente ng CIDG ang pitong units sa isang gusali sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga noong Miyerkules at inaresto ang dalawang suspects, at ni-rescue ang 13 katao, tatlo rito menor-de-edad.

Sinabi ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na ang mga suspects ay sangkot sa kasong paglabag sa amended R.A. No. 9208 o kilala bilang ‘The Expanded Human Trafficking Act of 2012.” Ang mga inaresto at na-rescue ay pawang Chinese nationals, ayon kay Francisco. Chinese na naman? Hindi lang sa POGO sangkot ang mga Chinese, kundi maging sa iba pang kaso. Dipugaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Eh di wow!

Sa kanyang report kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sinabi ni Francisco na ang raid ay bunsod sa listahan ng Internet Gaming License (IGL) na isinumite ng PAGCOR sa kanyang opisina. Kaya hindi nag-aksaya ng panahon si Francisco at nag-apply ng pitong search warrants na inaprubahan naman kaagad ni Judge Amor Dimatatac-Romero ng RTC sa Guagua, Pampanga.

“Ang sistema nila ay empleyado nila ang walong lalaking Chinese na matatagpuan sa loob ng mga units at ang mga passports nila ay itinago ng dalawang suspects,” ani Francisco. Para maging transparent ang kanilang lakad, ang mga operatiba ay inarmasan ni Francisco ng body worn cameras. Sapol kayo ngayon! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Alas singko ng umaga noong Miyerkules nang paligiran ng mga operatiba ng CIDG intelligence unit, Anti-Organized Crime Unit, Regional Field Unit 3, Angeles Provincial Field Unit, at Pampanga Provincial Field Unit ang mga pitong units sa Villages ng Besco Corporation, na matatagpuan sa Prince Balagtas Highway, Clark Freeport Zone.

Sa Unit 602 6th Floor ng Happy Tree Bldg., bokya ang mga raiders, subalit sa  Unit 701 sa 7th Floor, walong Chinese nationals ang na-rescue. Nakumpiska ang 11 laptops, 40 assorted celfones, iba’t ibang IDs at dokumento at assorted notebooks with scripts. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Francisco, walang occupant sa Unit 1102 sa 11th floor subalit nakakuha sila ng Android tablet at 500 Vietnam currency. Wala ring tao sa unit 601 sa 6th floor kaya lang nakumpiska ang 3 locked vaults, isang CCTV monitor, CCTV DV box, at assorted na foreign notes.

Samantalang sa Parkview Village, Villas P7B, Duplex nakuha ang 4 laptops, 7 flashdrives, 2 locked vaults, at assorted documents. Sa kalapit na Villas P8B naman may pitong laptops, mobile phone, CCTV camera, at assorted documents habang sa High Class Pool Villa P15 naman ay may dalawang babae at 2 lalaking Chinese at tatlong bata.

May isang locked vault sa loob, dalawang counting machines, CCTV DV box, Signal TV box, Apple iPad tablet, 4 mobile fones, at P167,400 cash. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa?

Ayon kay Francisco, sina Tiago at Tian Zhu ay kakasuhan ng Human Trafficking, samantalang ang walong kalalakihang Chinese ang aaktong complainant sa kasong illegal detention. Ang dalawang babae at kanilang tatlong anak ay hindi na kakasuhan ayon sa advice ng IACAT prosecutors.

Ang raid ay orderly at saksi dito si ret. Col. Herbert Angeles, ng Public Safety Division ng Clark Development Corp. at kanyang mga tauhan. Sanamagan! Itong mga POGO ay nag-shift na sa IGL? Wawasakin kayo ni Gen. Francisco. Ano pa nga ba? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

HUMAN ­TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with