^

Punto Mo

Maid of Honor (200)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISINAMA ni Inah si Rocky sa bayan para bumili ng mga ihahanda sa kaarawan ni Itay Nado. Sosorpresahin ni Inah ang kanyang itay na ngayon lamang makapagdaraos nang maayos na birthday. Hindi nila maipaghanda ang ama dahil sa kakapusan ng pera. At ngayong magdiriwang ito ng 80th birthday naisip ni Inah na sorpresahin ang ama. Puwede naman niyang iutos sa mga katulong ang pagbili ng mga ihahandang pagkain, pero gusto ni Inah ay siya mismo ang pipili ng mga ito.

Maraming tao sa palengke. Siksikan sa meat at fish section. Balak ni Inah na seafoods ang ihanda sa kaarawan ni Itay Nado. Hindi na siya maghahanda ng karne. Matanda na ang kanyang itay kaya dapat mag-ingat sa pagkain.

“Talaga bang maraming tao sa palengke kapag ganitong araw, Inah?’’

“Tiyangge nga kasi ­ngayon, Kuya.’’

“Ah oo nga pala, sinabi mo nga pala kanina.’’

“Kapag ganitong araw, sariwa ang seafoods—tahong, alimasag, talaba at iba pa.’’

“Masarap ang mga ‘yan—masustansiya.’’

“Oo nga kaya ang mga ‘yan ang naisip kong ihanda para kay Itay.’’

Pumasok sila sa loob. Mas marami pa pala ang seafoods na tinda sa loob. Pinakyaw ni Inah ang tahong at talaba. Pati ang alimasag at alimango kinuha lahat.

Sa isdaan naman sila nagtungo. Bumili si Inah nang maraming bangus at lapulapu.

“Paborito ni Itay ang rel­yenong bangus,’’ sabi ni Inah.

“Masarap yun.’’

Matapos iyon ay bitbit na lahat ni Rocky ang pinamili.

“Kaya mo bang dalhin lahat yan, Kuya Rocky?’’

“Oo naman. Magaan pa nga!’’

Nagtawa si Inah.

“Baka pinipilit mo lang kayanin Kuya? Mabigat yan!’’

“Kaya ko ‘to Inah! Yakang-yaka. Di pa naman ako senior.’’

Palabas na sila ng palengke at patungo na sa kanilang sasakyan nang may makita si Inah sa di-kalayuan. Nabahala si Inah.

Nahalata iyon ni Rocky.

“Bakit Inah? Parang nagulat ka? Sinong nakita mo?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with