SABI ni Joan, okey na sa kanya na sa Pilipinas na lamang magtrabaho bilang nurse sapagkat ayaw niyang mapahiwalay sa kanyang mama na masasakitin. Gusto ni Joan na siya ang mag-aalaga sa kanyang mama. Nag-iisa rin kasing anak na babae si Joan.
“Pasalubungan mo na lamang ako kapag magbabakasyon ka mula Saudi,’’ sabi sa akin ni Joan nang malapit na akong mag-Saudi. Natanggap akong nurse sa isang malaking ospital sa Riyadh.
“Oo. Pasasalubungan kita. Ano bang gusto mo?”
“Bahala ka na.”
“Sige, espesyal ang pasalubong ko sa’yo.’’
“Meron kayang paruparo sa Saudi, Joy?’’
“Siyempre mayroon din dun.’’
“Mangulekta ka at dalhin mo rito ha. Baka kakaiba ang paruparo sa Saudi.”
“Loka! Maiiba ba yun.”
“Malay mo ang paruparo roon ay nagsasalita ng Arabic, he-he-he!’’
“Ano bang kulay ng paruparo ang gusto mo?’’
“Itim!”
(Itutuloy)