^

Punto Mo

EDITORYAL - Batas sa POGO dapat likhain

Pang-masa
EDITORYAL - Batas sa POGO dapat likhain

KAHIT ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22 ang pagpapatigil sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs), hindi pa rin ito magiging epektibo. Susuwayin ito kapag bumaba na siya sa puwesto. Tiyak babalik ang salot na POGO.

Ang dapat gawin ng Presidente ay atasan ang House of Representatives na lumikha ng batas na nagbabawal sa POGO. Mas matibay ito at tiyak na mahihinto ang POGO at lahat nang usapin ukol dito. Nararapat matigil nang ganap ang operasyon ng online gaming na naglagay sa bansa sa hindi magandang sitwasyon.

Kung hindi gagawa ng batas laban sa pagpapatigil sa POGOs, magpapatuloy ito hanggang sa muli na namang mayanig ang bansa sa samu’t saring mga krimen katulad ng human trafficking, investment scam, prostitution, kidnap for ransom at mga pagpatay. Ang POGO rin ang ugat ng corruption sa maraming ahensiya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Immigration (BI) na ang corrupt officials ay nasangkot sa “pastillas scam” kung saan hinihingan nila nang malaking halaga ng pera ang Chinese nationals para makapasok sa bansa at makapagtrabaho sa POGO.
Pati ang ilang pulis ay sangkot dahil umaakto silang escort ng mga Chinese na opisyal ng POGO. Pinasusuweldo nang malaki ang mga pulis.

Kung walang batas sa POGO, gagamitin ito ng mga Chinese nationals para sa pansarili nilang ambisyon. Kikita sila nang malaking pera at magpi-finance ng kandidato para tumakbong mayor at iba pang posisyon sa gobyerno. Kabisado na ng mga Chinese ang mga Pilipino na madaling “tapalan” ng pera kaya mabilis para sa kanilang magpayaman sa Pilipinas at magkaroon ng kapangyarihan.

Batas ang likhain laban sa POGO at hindi basta paghahayag lang gaya ng ginawa ng Presidente sa SONA. Sabi ni Marcos sa kanyang SONA kailangan nang itigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa.

Kumilos din naman sana ang PAGCOR para sa mabilisang pagpapalayas sa POGO. Huwag nang itira pa ang 12 POGOs gaya ng kahilingan ng PAGCOR chairman. Malinaw ang direktiba ni Marcos na lahat nang POGO ay aalisin.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with