^

Punto Mo

Baka naman labis-labis na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

‘POLITICAL harassment’.

Yan ang pagturing ni Vice President Sara Duterte matapos tanggalin ang 75 pulis bilang kanyang security detail.

Ito ang nilalaman ng kanyang open letter’ na ipinadala kay Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil.

Ang pagtatanggal sa naturang bilang ng police security ay naganap matapos siyang magbitiw bilang DeEd secretary at nasabay pa nga ang ugong sa mismong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos at sa umano’y kontrobersiyal at sinasabing fake video na umano’y paggamit ng pangulo ng illegal drugs.

Masasabing ‘ bad-timing’, kaya nga nakakuha ng pagkakataon para ma-divert ang isyu.

Ano nga ba ang isyu?

Sa panig ng PNP, hindi inalisan ng police security si VP Sara, binawasan nga lang ika.

Bakit binawasan?

Kasi raw sobra-sobra.

Sa kanilang paliwanag, 106 umano ang nakatalagang police security ni VP, bukod pa umano sa iba pang tanggapan tulad ng AFP at iba pa na may naka-detail ditong tauhan.

Halos tatlong ulit umano ito sa security detail na naka-assign noon kay VP Robredo.

Bagama’t hindi tayo tutol sa pagbibigay ng seguridad sa matataas na opisyal ng pamahalaan, obligasyon ito ng estado lalo na nga sa mga may banta sa kanilang buhay, pero dapat din marahil na malinawan ng taumbayan kung ilang bilang ba ng security personnel ang dapat na naka-assign sa mga ito.

Baka naman labis-labis na kung kaya nagkukulang naman ang puwersa para magbantay sa mga ordinaryong mamamayan laban sa mga elementong kriminal.

Ayaw nang palakihin pa ng PNP ang usapin tungkol dito at nais nilang pag-usapan na lang ang isyu.

Nakiusap din sila na wag na umanong idamay ang kapulisan sa usapin ng politika dahil ang kanilang pangunahing layunin ang peace and order sa bansa.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with