1. Solusyon sa sobrang pagod: Magtimpla ng katas ng kalamansi sa isang basong tubig. Haluan ng honey. Ito ang inumin upang bumalik ang sigla.
2. Remedyo sa stomach acidity: Uminom ng buko juice 3-4 times a day o kaya ay kumain ng pakwan o cucumber kada isang oras.
3. Ipahid sa area na may pasa ang hilaw na sibuyas. Gawin ito kung walang sugat ang pasa.
4. Kung may arthritis, kumain ng 3-4 pirasong walnuts tuwing umaga bago mag-almusal.
5. Ito ang higuping sabaw kapag sinisikmura dahil nalipasan ng gutom: Magpalambot ng kalahating kilong purong laman ng baka. Kapag malambot na, sabay-sabay ihalo ang pinitpit na luya at bawang, sibuyas, asin, miswa. Pakuluan ng mga 20 minutes.
6. Kung nalasing ka ng nagdaang gabi, ang mainit na sabaw sa number 5 ang mainam na higupin o iulam sa kanin.
7. Ang sabaw ng number 5 ang inihahalo sa kanin na dinurog ng tinidor upang ipakain sa baby na bago pa lang pinakakain ng solid food. Minsan, nilagang patatas na dinurog ng tinidor ang inihahalili sa kanin.
8. Kumain ng pagkain na mayaman sa folic acid upang maiwasan ang pagtitibe. Ang mayaman sa folic acid ay atay ng baka, baboy at manok. Ang ibang pagkain na mayaman sa folic acid ay beans and legumes; dark leafy vegetables; citrus fruits.
9. Kung wala kang fabric conditioner pero gusto mong maging malambot ang iyong maong pants kapag natuyo at isinuot sa katawan: Haluan ng one cup rock salt ang detergent at tubig sa washing machine at saka labhan ang maong.
10.Upang hindi kumupas ang kulay ng bagong towel, lagyan ng one cup rock salt ang tubig na paglalabhan nito.