Lalaki na kayang humila ng mga eroplano habang naglalakad nang pabaliktad, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG professional Rubgy player sa Italy ang nakapagtala ng world record dahil sa kakayahan nitong humila ng mga eroplano habang naglalakad nang pabaliktad!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Matteo Pavone ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Light Aircrafts Pulled by Walking On Hands” matapos itong makahila ng tatlong eroplano habang naglalakad gamit ang kanyang mga kamay.

Ayon kay Pavone, ginawa niya ang record na ito para may mapatunayan sa kanyang sa­rili matapos siyang pagbawalan ng mga doktor na maglaro ng rugby dahil sa mga injuries niya sa katawan.

Show comments