Dehado si Risa sa talakan kay Roque

NAGING mainit ang talakan nina Sen. Risa Hontiveros at Harry Roque sa pag-uusisa ng senado sa iligal na operasyon ng POGO sa Porac­, Pampanga at bahay diumano nito sa Baguio City kung saan nadakip ang dalawang undocumented Chinese na empleyado ng POGO.

Itinanggi ni Roque na siya ang nagmamay-ari ng bahay sa Pinewoods Golf and Country Club sa Baguio City, pero posible raw naman na maging kanya ang bahay sa tamang pagkakataon. Puwedeng pasukan ng malisya ‘yan!

Inamin din ni Roque na siya ang abogado ng Whirlwind Corporation na nagpapaupa ng puwesto sa South Star 99 POGO hub sa Porac, Pampanga at tumatayong service provider o nagsasaayos ng mga dokumento sa operasyon nito.

Hindi naitanong ni Risa kung bakit walang ikinilos ang Whirlwind Corporation sa tulong ng abogado nilang si Roque sa mga krimeng kinasangkutan ng South Star 99 POGO Hub na umaarkila sa kanila. Oo nga ‘no?

Human rights advocates si Risa at Human rights lawyer naman si Roque. Are they both in the right directions?

Hahataw na po ang Youtube Channel ng Bakas Pang Masa natin. Subaybayan!

Show comments