^

Punto Mo

Ingat sa nag-aalok ng pautang online!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko na mag-ingat sa lumalaganap na namang mga online lending collection scam.

Ito nga ay matapos na matuklasan ang operasyon ng mga kawatan na kinasasangkutan ng dalawang establisimentong pinaniniwalaang pinatatakbo ng sindikato sa Pasay Cty.

Ayon sa NBI, modus umano ng dalawang establisimentong ito na mang-extort sa kanilang binibiktima gamit na panakot ang nakuhang mga personal na impormasyon sa kanilang kliyente.

Nabatid na isang babae ang unang nagreklamo sa NBI hinggil umano sa ginagawang ­pananakot ng naturang lending company.

Sinubukan umano niyang umutang dito, pero sa kabila umano na nakabayad na s’ya ay patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng pananakot.

Nabatid pa sa biktima na idinownload n’ya ang application sa pamamagitan ng play store.

Sa ganung modus sangkot ang grupong ito, na ayon pa sa biktima ay mayroon ding pagbabanta siyang natatanggap kung saan pati ang kanyang mga mahal sa buhay ay isinasama sa banta na kanya umanong pagsisisihan.

Ang matindi rito, ayon pa sa NBI may ilang kliyenta ang mga ito ang minsan ay pinadadalhan pa ng ataol kundi man ay bulaklak ng patay.

Kaya payo ng NBI, wag agad-agad kumagat sa mga alok na pautang online, at baka kayo mabiktima ng ganitong mga mapanlinlang na kawatan.

 

LENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with