Paalaala tungkol sa kalusugan

• Kulang ka sa copper kaya namumuti ang iyong buhok. Ang pagkaing mayaman sa copper ay atay ng baka. Ang isang slice ng atay ng baka na tumitimbang ng higit kumulang na 67 grams ay sapat na para sa isang araw na copper requirement ng katawan. Ang mga pagkaing mayaman sa copper ay talaba, shitake mushroom, almonds, kasuy, sesame seeds, lobster, leafy greens, at dark chocolate.

• Kulang ka sa vitamin C kung kaunting mabangga ang katawan ay mabilis itong magkaroon ng pasa. O kaya ay laging nagdurugo ang gums.

• Kulang ka sa zinc kaya wala kang sex drive.

• Kulang ka sa chromium kung sobra ang hilig mo sa matatamis. Ang pagkaing mayaman sa chromium ay ubas, oranges, lean beef, turkey and chicken breast, kamatis, mansanas, at green beans (sitaw, baguio beans).

• Ang sikreto upang maging kapaki-pakinabang ang iyong idlip (nap):

1. Umidlip sa pagitan ng 1:00 at 3:00 p.m.

2. Dapat ang room ay madilim, malamig at tahimik.

3. Uminom ng kape bago umidlip. Bakit? Ang ideal nap length ay 20 to 30 minutes. By the time you wake up from a short nap, magsisimula nang umipekto ang caffeine na makakatulong para maging alert at energize.

• Ang galit ay nakapagpapahina ng iyong atay.

• Ang kalungkutan ay nagpapahina ng iyong lungs.

• Ang pag-aalala ay nakapagpapahina ng iyong tiyan.

• Ang sobrang stress ay nakapagpapahina ng puso at utak.

• Ang takot ay nakapagpapahina ng kidney.

Show comments