^

Punto Mo

Mababang crime rate, hindi sapat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isa sa binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawa niyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), ang pangangailangan para makuha ng law enforcers ang tiwala ng publiko.

Hindi umano nakakasapat na maibaba lamang ang crime rate at crime-solution efficacy.

Ayon sa pangulo may matinding pangangailangan nang koor­di­nasyon sa criminal justice system at sa judiciary.

Hindi umano sapat ang crime solution rate, kailangang maitaas din marahil ang conviction rates partikular sa mga organized crimes at mga malalaking sindikato.

Dapat nga naman hanggang sa mga hearing ng kaso ay matutukan ng mga law enforcers para makasiguro na mako-convict ang mga ito.

Pati ang pagpepresenta sa mga ebidensiya.

Nangyayari kasing madalas na nagkakaroon ng arrest ay itinuturing na agad na ‘closed case.’

Hindi pa masasabing sarado na ang kaso hangga’t hindi ito nadedesisyunan ng korte.

Malaking bagay ang koordinasyon sa judiciary para sa ikapagtatagumpay sa isang nalutas nang kaso.

Iniulat ng PNP noong Abril na umabot sa 82.69% ang crime solution efficiency mula Jan. 1, 2023, haggang March 31, 2024. Tumaas ito ng 0.62% kumpara noong October 2021 hanggang December 2022.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with