^

Punto Mo

Lalaki sa Nigeria, nakatanggap ng Guinness matapos mag-twerk nang walang tigil sa loob ng 3 oras!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG dancer sa Nigeria ang nakapagtala ng bagong world record matapos itong mag-twerk nang walang tigil sa loob ng tatlong oras.

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Babajide Israel Adebanjo ang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Duration Twerking”. Ito ay matapos siyang mag-twerk sa loob ng tatlong oras at 30 minuto.

Ang twerking ay isang uri ng sayaw na naging popular sa modernong kultura, partikular na sa hip-hop at pop music scenes.

Sa sayaw na ito, ang mananayaw ay kumikilos ng mabilis at energetic na paggalaw ng balakang at pigi, kadalasang nakayuko o nasa mababang posisyon.

Ang mga kilos na ito ay madalas na sinasabayan ng ritmo ng musika.

Ayon kay Adebanjo, ginawa niya ang record attempt na ito bilang kanyang paraan sa pagpapalawak ng kamalayan sa depression at kahalagahan ng mental health.

Si Babajide Israel Adebanjo ang bagong world record holder ng titulong “Longest Duration Twerking” na ipinagkaloob ng Guinness.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with