FLASH Report: Naging hot topic sa Camp Crame si PRO7 director Brig. Gen. Anthony Aberin matapos mapangalanan na kandidato sa pagka-hepe ng Criminal Investigation and Detection Group. Eh di wow! Biglang sikat si Sir Aberin! Kapag nagkataon, si Aberin, na miyembro ng PNPA Class ’93, ang buwenas na Lakan na hahawak ng CIDG, na matatawag na juicy position sa PNP.
Ang tanong lang ng mga kapwa niya heneral, mahigitan kaya o mapantayan ni Aberin ang accomplishments ni outgoing CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na matunog na papalit kay NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez? Ano sa tingin mo Boss Libi? Kung sabagay, galing din sa CIDG si Aberin kaya lang, natapon sa Mindanao. Ano kaya ang atraso niya? Ewan ko no?
-oooooo-
Dapat tumino na ang mga pulis dahil nagdeklara na si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng “zero tolerance” laban sa mga balasubas o kotongero. Ang sakit sa bangs nito. Ang ibig sabihin ni Marbil, hindi n’ya papatawarin ang mga tiwaling pulis, na ang masamang gawain ay kadalasang naging dahilan para dumausdos ang imahe ng PNP. Kung sabagay, malaki na ang suweldo ng mga pulis kaya wala nang dahilan para masangkot pa sila sa mga krimen, tulad ng extortion, kidnapping at iba pang masamang pagkakakitaan, di ba mga kosa?
“We have no room for erring officers in our ranks. The PNP is fully dedicated to upholding the law and ensuring that every police officer adheres to the strictest code of conduct,” ani Marbil.” Misconduct and abuse will be met with the full force of our internal disciplinary mechanisms,” dagdag pa niya. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Naniwala naman si Marbil na epektib ang mekanismo ng PNP internal disciplinary mechanism (IDM) para tigpasin ang mga tiwaling pulis at sa katunayan 6,200 sa hanay nila ang sinibak mula Hulyo 2022 hanggang ngayon. Ayon sa Internal Affairs Service 6,256 na pulis ang kinasuhan na nila sa naturang period, at 2,550 sa kanila ay pinatawan ng administrative penalties mula sa reprimand at dismissal.
At higit sa lahat, 572 personnel ang inirekomendang sibakin bunga sa iba’t-ibang infractions. Sa kanyang liderato, nagbanta si Marbil na magging “swift at stringent measures” ang kanilang gagawin para patawan ng kaukulang kaparusahan at kasuhan ang mga sumemplang na pulis. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang “zero tolerance” niya laban sa tiwaling pulis, ani Marbil ay upang isulong ang integridad at professionalism ng PNP. “The time for complacency is over. We will not tolerate any form of misconduct within our ranks,” ang dagdag pa ni top cop. Nais din ni Marbil na palakasin ang IAS upang palawakin ang kanilang kapabilidad sa pag-imbestiga upang masiguro na hindi palpak ang ipapataw nilang kaparusahan.
Inihayag pa ni Marbil ang kasalukuyang mga programa n’ya para labanan ang kriminalidad, maging ang problema sa droga, upang lalong magtiwala ang mga Pinoy sa PNP. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Nangako naman si Marbil na bibigyan n’ya ng due process ang mga pulis na sangkot sa misconduct. Dapat lang! Abangan!