MARAMI pa ring nakatatanggap ng text scams kahit rehistrado na ang kanilang Subscriber Identity Module (SIM) card batay sa paminsan-minsang mga lumalabas na mga poste ng ilang netizens sa social media.
Magdadalawang taon na ang batas sa SIM registration pero meron pa ring nakatatanggap ng mga text scam. Hindi malaman kung saan ang diperensiya. Baka sa pagpapatupad ng batas. Meron bang mga butas o diperensiya rito o merong mali sa pagpaparehistro ng SIM card o may iba pang hindi malamang dahilan?
Nagpalabas naman ang National Telecommunications Commission ng tinatawag nitong “BIRD” strategy bilang panlaban sa text scam. Sa isang ulat kamakailan ng Philippine Information Agency, ibinahagi ni NTC legal officer Ana Minelle Maningding ang kahulugan ng BIRD: Block: Prevent scammers from contacting you by blocking their phone numbers; Ignore: Do not respond to suspicious messages or calls, as ignoring them reduces the chance of engaging with the scammer; Report: Inform authorities or your service provider about the scam immediately, as this helps them track and address the issue; Delete: Remove the suspicious messages or calls from your device to avoid further risks.
Sinasabing ang text scams ay mapanlinlang na mga gawain na ang scammer ay nagpapadala ng text messages para lituhin ang biktima at matukso itong magbigay ng personal nitong mga impormasyon o magklik ng mga mapaminsalang mga link.
Sinabi ni Maningding na kabilang sa mga pananda ng text scam ang mga mensahe na mali-mali ang grammar, 11 ang digit ng numero ng sender sa halip na iyong ginagamit ng mga official organization, nagbibigay ng mga link sa kahina-hinalang mga websitem at mga mensaheng gumagamit sa pangalan ng tumatanggap nito. Ang kamalayan dito at pagiging maingat ay makakatulong anya sa publiko na mapangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga scam na ito.
Pinapayuhan din ni Maningding ang publiko na huwag bumili ng mga pre-registered na SIM cards dahil maaaring kunektado o nagamit na ito sa mga panloloko o scams.
Marami rin anyang klase ng text scams. Nariyan halimbawa ang delivery scams (delivery services kunwari ang scammer at hihingin ang iyong personal information o bayad para sa reschedule o confirmation ng delivery); identity theft (tatangkain ng scammer na nakawin ang iyong personal information tulad ng bank details para makapanloko o makapandaya); job offer o investment scam (aalukin ka ng pekeng trabaho o oportunidad sa negosyo para malinlang kang magbigay ng pera o personal information); lottery and prize scam (sasabihin ng scammer na nanalo ka sa lottery o premyo at hihingan ka ng personal na information o bayad para makuha ito); love scam (makikipagligawan at makikipagrelasyon sa iyo kunwari ang scammer para mahingan ka ng pera o personal information); Phising scam (gumagamit sa pangalan ng mga lehitimong organisasyon para makapagnaikaw ng sensitibong impormasyon tulad ng sa credit card number o password); at Unknown caller scams (tatawagan ka ng scammer na magpapanggap na nagmula sa lehitimong organisasyon para makuhanan ka ng personal o financial information).
“Madalas na nililikha ng mga text messages na ito ang sense of urgency para tarantahin ang biktima na kumilos agad,” sabi pa ni Maningding.
-oooooo-
Email: rmb2012x@gmail.com