Native American teenager, tinaguriang may pinakamahabang buhok ng Guinness records!

ISANG 17-anyos na Native American sa South Dakota, USA ang nakapagtala ng pinakamahabang buhok na isang teenager.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Reuben Looks Twice Jr. ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Hair on a Living Teenager (male)”.

Ito ay dahil sa kanyang buhok na may habang 5 feet and 3.3 inches.

Bago si Reuben, ang previous record holder nito ay isang teenager sa India na si Sidakdeep Singh Chahal ng India na may record na 4 feet and 9.5 inches na haba ng buhok.

Ayon sa mga magulang ni Reuben, bata pa lamang ay hindi na ito nagpapagupit ng buhok dahil takot ito sa gun­ting at razor.

Nang maging teenager na si Reuben ay pinanindigan na nito ang kanyang long hair bilang pagpupugay sa tradisyon ng kanilang tribu na Lakota tribe.

Show comments