• Uminom ng isang basong maligamgam na tubig na pinigaan ng fresh lemon juice bago mag-almusal. Ang Vitamin C ay tumutulong para ang katawan ay makapagpalabas ng glutathione. Ito ang nagtatanggal ng toxin mula sa atay.
• Gumamit ng bawang sa mga lulutuin pagkain. Nagtataglay ito ng allicin at selenium na pumuprotekta sa liver.
• Uminom ng green tea.
• Kumain ng avocado. Napag-aralan ng mga Japanese na ang avocado ay may taglay na compound na magpapatibay sa atay. Ito ang prutas na poprotekta sa iyo laban sa viral hepatitis.
• Cilantro. Maghalo ng cilantro sa inyong lutuin o salad. Kahawig ito ng parsley. Nagtatanggal ito ng “heavy metals” sa katawan kagaya ng mercury, lead at arsenic. Ang lead ay nalalanghap mula sa pintura ng mga lumang bahay, ang mercury ay mula sa kinakaing lamang-dagat at ang arsenic ay nakukuha mula sa tubig sa balon.
• Turmeric. Ito ay ang tinatawag na luyang dilaw. Ginagamit itong ingredient sa ibat-ibang lutuin. Ito ang tumutulong para magkaroon ng kapalit ang nasisirang liver cells.
• Uminom ng 2 litrong tubig araw-araw. Ang tinutukoy dito ay hindi lang literal na tubig kundi sabaw, juice mula sa kinaing prutas at ibang likidong ininom ninyo sa maghapon.
• Kapag nakaupo at nagrerelaks, gawing laro ang paghinga nang malalim. Nakakaikot nang maayos sa buong katawan ang oxygen kung humihinga tayo ng malalim. Kapag nangyari ito, lumalabas sa ating katawan ang toxin sa pamamagitan ng pawis.
• Maging laging positibo. Kapag maganda ang ating nararamdaman, ang ating katawan ay kusang naglalabas ng toxic hormones and chemicals.
• Hot-cold shower. Simulan ang detoxifying process sa 3 minutes hot shower. Kung walang hot-cold water ang inyong shower ganito ang gawin kapag magbabanlaw ka ng katawan: Magtimpla ng maligamgam na tubig sa timba at ito ang ibuhos sa ulo at katawan sa loob ng 3 minuto. Tapos buhusan naman ng tubig mula sa gripo ang katawan ng 3 minuto. Ang resulta ay magandang daloy ng dugo sa katawan.