^

Punto Mo

‘Ballpen’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAKAIBA ang ballpen na nakita ko sa isang tindahan ng mga segunda manong gamit sa Manfouha, Riyadh.

Kulay silver ang ballpen na katulad sa Parker. Ang kaibahan lamang ay mataba at may kabigatan ang ballpen. Parang may metal sa loob ang ballpen.

Tinanong ko sa may-ari ng tindahan kung magkano ang ballpen.

“Kam hada, Sadik?’’ tanong ko sa Arabic na ang ibig sabihin ay “magkano, kaibigan?’’

“Asyarah!’’ sagot ng may-aring Saudi—isang matandang lalaki. Ten Riyals daw.

Nagulat ako. Mura para sa 10 Riyals ang ballpen dahil nga sa kakaibang bigat. At sa tingin ko ay bago pa. Tinesting ko kung sumusulat o kung may ink pa. Isinulat ko sa isang papel na nakita ko. Sumusulat pero hindi gaanong malinaw. Baka iyon ang dahilan kaya binenta ng may-ari ang ballpen.

Dalawa pang ballpen ang napili ko na ang halaga rin ay tig-10 Riyals. Binayaran ko ang mga iyon—halagang 30 Riyals.

LUMIPAS ang maraming taon, tinapos ko ang kontrata sa Saudi at pinasyang sa Pinas na uli magtrabaho. Maganda rin ang trabaho ko.

Nalimutan ko na ang biniling ballpen sa Manfouha, Riyadh pero nakatago iyon kasama ang marami ko pang koleksiyon.

Hanggang isang araw na iniinspeksiyon ko ang mga ballpen, mayroon akong natuklasan sa ballpen na binili ko sa Manfouha. (Itutuloy)

BALLPEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with