^

Punto Mo

‘Tip of the iceberg’ pa lang, mas marami pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASA 1,200 umano na mga dayuhan na karamihan ay Chinese national ang nakakuha ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur sa pamamagitan ng late registration.

Base ito sa report na natanggap ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pero kung si Senate President Francis “Chiz” Escudero, ang tatanungin, naniniwala siya na “tip of the iceberg” pa lang ang natanggap na impormasyon na ito ng NBI.

Kasabay nga nito, iginiit ni Escudero sa NBI na masusing imbestigahan ang report para matukoy ang tunay na bilang at iba pang salarin o may kinalaman sa pag-iisyu ng birth certificate sa mga dayuhan.

Malaki ang posibilidad na hindi si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang una at huli na nakakuha ng fake birth certificate dito sa ating bansa sa pamamagitan ng late birth registration, dahil taong 2016 noong nakakuha ng birth certificate ang mga pinaniniwalaang Chinese nationals sa Davao del Sur.

Alarming ang ganitong ulat,  lalo na nga’t posibleng ang ilan sa mga naka-acquired ng birth certificate ay may criminal record.

Kung matagal nang nangyayari ang ganitong klase ng raket, aba’y malaking halaga na ang nakulimbat ng mga kawatan na sangkot dito.

Hindi nga ba’t nabulgar na nasa P300K pataas ang ibinayad ng ilang dayuhan para makakuha ng pekeng birth certificate.

Dapat talagang magkaroon ng kumprehensibong imbestigasyon para malaman panagutin ang mga dawit sa ganitong modus, lalo’t itinuturing na ng BI na ‘national security concern’ ang dumaraming bilang ng dayuhan na nagtataglay ng pekeng Phl documents.

vuukle comment

ICEBERG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with