Eksklusibong mga subdivision, binubulabog ng POGOs
Tignan mo nga naman pati ang eksklusibong village at subdivision umabot na ang perwisyong dulot ng POGOs.
Talagang dapat nang mapag-aralan nang husto kung kailangan bang tuluyan na itong i-ban.
Baka kasi ang kinikita rito eh hindi naman sapat sa perwisyong naidudulot.
Noon lang isang Linggo, nagsagawa ng motorcade ang mga residente ng Ayala Alabang Village (AAV) sa Muntinlupa City, bilang pagkondena sa mga tinawag nilang ‘undesirable tenants’ na sumira ng peace and order sa kanilang subdibisyon.
May isang daan na mga sasakyan ng residente ang umikot sa buong village kung saan nga nakadikit ang mga poster nà ‘NO to POGO, Bodyguards, Gambling kinondena nila ang mga nangyayari ngayon sa kanilang dating mapayapang lugar, na napapalitan na ng hindi magandang imahe.
Pinaghaharian umano sila ng takot sa patuloy na pangungupahan ng Chinese nationals sa kanilang subdibisyon na pawang hindi sumusunod sa mga reglamento na ipinatutupad ng Ayala Alabang Village Homeowners Association.
Kamakailan lang umano ày kamuntik nang magkabarilan ang mga bodyguard ng mga Chinese nationals na tenants sa lugar.
Naiparating na rin nila ito sa ilang concerned authorities pero walang nangyari.
Grabe pala ang upahan ng mga Chinese sa mga bahay sa AAV.
Ang 3-4 bedroom nauupahan ng POGO ng nasa P100k hanggang P400k isang buwan na kinakagat ng mga may- ari ng bahay.
Hindi pa dalaw h taon agad ng bayad.
Ang isang bahay na dapat ay nasa loma hanggang anim katao lamang nagsisiksikan ang POGO employee na nasa 30 katao.
Ika nga pera- pera ang labanan.
Ganito rin halos ng reklamo ng mga residente sa isang exclusive subdivision sa Paranaque
Giit ng mga residente na inspeksyon ang mga unit na pinapaupahan dahil dito pa lamang may paglabag sa rental agreement,lalu’t higit nako-kompromiso ang peace and order, ng mga residente.
- Latest