• Ang dalawang pirasong saging ay makapagdudulot ng sapat na energy sa isang intense 90-minute workout.
• Ang tatlong pirasong carrots ay makapagbibigay ng energy sa isang tao para makapaglakad ng tatlong milya. Noong unang itinanim ang carrots, ito ay bilang gamot at hindi pagkain.
• Kapag ang babae ay may menstruation, ang parte ng kanyang utak na hippocampus ay lumalaki kaya ang kanyang behavior ay nagbabago sa nasabing panahon. Ang hippocampus ang sentro ng emotion, memory at autonomic nervous system.
• Healthy breakfast kung gustong magbawas ng timbang: nilagang itlog, avocado, saging at mansanas.
• Sa umaga mainam na mag-cold shower. Hindi dapat na tumagal ang paliligo ng five minutes. Ang benefits ng cold shower ay magiging alert ka; magiging masigla ang pagdaloy ng iyong dugo sa buong katawan; matatanggal ang pananakit ng kalamnan; gaganda ang mood, kutis at buhok.
• Ang hot shower (maligamgam ang tubig) ay mas mainam sa gabi bago matulog. Hindi dapat ito tumagal ng 15 minuto. Nakaka-relax ito ng muscle, nakakatanggal ng stress, nakakahimbing ng tulog at nakakalinis ng kutis.
• Isama sa araw-araw na diet ang pagkain ng fresh pineapple kapag buntis. Isang tasang ginayat na pinya ay magdudulot ng copper mineral upang madagdagan ang red blood cell formation ng ina. Kailangan ito ng fetus para sa development ng kanyang heart, blood vessels, skeletal at nervous system. Mayaman ang pinya sa vitamins B1, B6 at B9 para sa proper growth at development ng fetus.
• Mayroon din vitamin C ang pinya, iron, zinc at calcium na kailangan ng ina para sa kanyang healthy pregnancy.