‘Ballpen’

 (Part 1)

Mahilig akong mangulekta ng mga ballpen. Nagsimula ang pagkahilig ko sa panungulekta ng ballpen noong nasa high school pa ako. Kapag may nakita akong magandang ballpen ay binibili ko. Hindi ko naman ginagamit ang aking mga binibiling ballpen kundi itinatago ko lamang. Nasisiyahan ako kapag nakakolekta ng ballpen.

Nang nasa kolehiyo na ako ay patuloy pa rin ang pagiging pen lover ko. At saka ko lamang nalaman na ang tawag pala sa mga mahilig mangulekta ng ballpen ay Stylophile.

May pagkakataon na ang allowance ko ay binibili ko ng ballpen na nagugustuhan ko. Hindi ako mapakali kapag hindi nabili ang nagustuhan kong ballpen.

Kaya  naman dahil sa pagiging stylophile ko, dumami ang koleksiyon ng aking ballpen na umabot na ng ilang daan. Nasa isang cabinet nakalagay ang aking mga ballpen.

Nang maka-graduate ako ng kolehiyo at magkaroon ng trabaho, lalo nang nag-umigting sa akin na magkaroon pa ng mga ballpen. At hindi lamang basta-basta ballpen ang binibili ko. Gusto ko ay mamahalin.

Hanggang makapagtrabaho ako sa Saudi Arabia. Dala ko hanggang doon ang pagiging pen lover.

(Itutuloy)

Show comments