^

Punto Mo

Million Trees ­Foundation, ­pinarangalan ang s­takeholders!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PINARANGALAN ng Million Trees Foundation Inc. (MTFI) ang mga indibidwal at kompanya dahil sa kanilang pagsuporta sa proyekto na A Million Trees Challenge (AMTC) na ang layunin ay magtanin ng punongkahoy sa mga waterheds sa Pinas. Tinawag ni MTFI president at executive director Melandrew Velasco na mga “Heroes” ang mga awardees na nangakong magtanim pa ng karagdagang kahoy at maatim nila ang target na P10 milyon trees na itatanim hanggang 2030.

Ang paggawad ng award ay ginanap sa MWSS complex sa Quezon City alinsunod sa pagselebra ng Philippine Environment month, ani Velasco. “AMTC has been consistent in meeting its target of one million trees planted annually, ensuring this success has necessitated the establishment of the Million Trees Foundation in 2021,” dagdag pa ni Velasco. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon kay Velasco, nakagawa ng history ang MTFI bunga sa sandamakmak na ­stakeholders ang nangakong magtanim ng libu-libong puno sa taon na ito. Itong AMTC mga kosa ay magsusulong para itulak pataas ang joint efforts ng MWSS at DENR na i-rehabilitate ang mga critical watersheds sa pamamagitan ng reforestation at tree planting activities.

Sinabi ni  MWSS Administrator Leonor Cleofas na ang okasyon  “highlights our pledge to address the critical need to preserve our natural resources for future generations.”  Ito ay umalingawngaw sa misyon ng AMTC, ani Cleofas.

Kasabay sa recognition at awarding ceremony ay ang pangako ng mga stakeholders na magtanim ng 2.7 milyon na kahoy, sa taon na ito, na kung tutuusin ay pinakamarami sa history ng MTFI, ayon naman kay Velasco. Halos doble na ito sa itinanim ng MTFI na 1.36 milyon na kahoy sa taong 2023. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang nakatanggap nang maraming awards ay ang stakeholders at partners, tulad ni San Miguel Corporation chairman at CEO na si Don Ramon S. Ang, na tinawag ni Velasco na “Champion of Nature.” Ang ginawaran naman ng “Nature Heroes” award ay ang Maynilad Water Services Inc, Manila Water Company Inc., at ang Grundfos Philippines. Ang Australian-based QBE Group Shared Services Inc ay bilang  “Eco Guardians” category kasama ang Sta. Clara International Corporation. Halos 31 partners ang nangakong magtatanim ng kahoy, at nanguna rito si Dr. Cesar Quiambao sa bilang na 700,000 piraso. Ang Philippine Bamboo Industry Development Council at magtatanim ng 500,000 samantalang ang DENR 4A ay 400,000 naman. Eh di wow!

Ang “Champion of Trees” award ay napunta sa mga nagtanim ng 25,000 na kahoy sa taong 2023 at iginawad ito sa DENR 4A, Maynilad Water Services Inc., Lguna Lake Development Authority, Worldwide Fund for Nature PH, Manila Water Co. Inc, National Power Corp., MWSS Co., Luzon Water Development  Corp., Professional Regulation Commission, LGU of Gen. Nakar, DENR R3, ABS-CBN Foundation Inc. MWSS RO at DENR NCR. Marami pa ang naigyan ng award subalit sori na lang at kapos na ng espasyo. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi naman ni DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano na ang AMTC

 “embodies the spirit of unity and determination that transcends borders and unites people from all of walks of life.”  Aniya, ang bawa’t isang bahoy na itinanim, “represents not only a tangible contribution to combatting climate change but also a symbol of hope and renewal of community systems worldwide.”  Mismooooo! Abangan!

TREE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with