Barbero sa Nigeria, nakatanggap ng Guinness record dahil sa bilis maggupit ng buhok!

ISANG barbero sa Lagos, Nigeria ang nakapagtala ng world record dahil sa mabilisan niyang skin fade haircut sa limang tao!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang 26 anyos na si Owoyemi Qudus Adebayo ang pinakabagong record holder ng titulong “fastest time to complete five skin fade haircuts”, ito ay matapos niyang gupitan ng buhok ang limang tao sa loob ng 14 minutes and 56 seconds.

Ginanap ang record attempt ni Adebayo sa campus grounds ng University of Llorin kung saan siya nag-aaral ng statistics. Habang ginaganap ang record attempt, nasa audience ang mga kamag-aral ni Adebayo pati na ang ilang opisyal ng unibersidad.

Ayon sa vice chancellor ng unibersidad na si Wahab Egbewole, sobrang proud siya kay Adebayo hindi lang dahil sa Guinness World Record nito, pati na rin sa pagiging masipag na working student na kinaya ang mahirap na course nitong statistics at pagiging barbero.

Show comments