• Alam mong mamamatay ka ngunit hindi mo alam kung kailan yun mangyayari.
• Alam mo ring mamamatay ang mga mahal mo sa buhay ngunit hindi mo rin alam kung kailan.
• May kaplastikan din ang kasabihang, “Hindi ka mapapaligaya ng iyong pera”. Pero mas lalo namang malungkot at masakit sa sikmura kung wala ka ni singkong duling na pambili ng iyong pagkain.
• Ang iyong talent ay mababalewala kung kulang ka sa effort at practice para ito mapagyaman.
• Ang food industry ay walang pakialam sa iyong kalusugan. Kaya ikaw na lang ang mangalaga sa iyong sarili, tutal may karapatan naman tayong mamili kung ano ang nais nating ipasok sa ating bibig.
• Nakalulungkot na may mga magulang na materialistic. Ang mindset ng ibang Pinoy na magulang: Dapat lang na sustentuhan kami habang buhay ng aming anak dahil kami ang bumuhay at nagpaaral sa kanila.
• Totoo ang karma. Totoong-totoo. Isang araw, hindi ka na manggagalaiti dahil mapapangiti ka na lang at mapapabulong ng “Dasurv” (deserve – nararapat lang mangyari sa iyo).
• Sa hirap maghanap ng trabaho, hindi sapat ang talent at talino. Importante pa rin ang “ganda” para makakuha ng magandang trabaho.
• Kokontrolin ng social media ang buhay mo, kung papayagan mo ito.
• Ang empleyado ay para lang silang gamit, kapag sila ay namatay, mabilis lang kumuha ng kapalit. Kaya balansehin ang pagsisipag sa trabaho at pangangalaga sa sariling kalusugan.