Binugbog na ­Vietnamese ang naging susi!

ISANG takas na Vietnamese torture victim lang ang nagpa­sambulat ng anomalya sa likod ng POGO operations sa Bamban, Tarlac at umabot hanggang sa Porac, Pampanga.

Agad namang inimbestigahan sa senado si Bamban Mayor Alice Guo na nagbunyag sa kanyang pagkatao at koneksyon nito sa mga kapitalistang mga Intsik na nabistong wanted criminals pala.

Isang magandang leksiyon ang nangyaring pambubugbog na naging susi sa paglugso ng multi-billion illegal POGO business sa bansa.

Malaking tsamba, ‘di ba?

Lalong magiging super heroes sina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian kung mapapangalanan nila ang mga protektor ng mga kriminal na nagmamay-ari ng POGOs.

Nababanggit ang mga pangalan nina convicted for graft Dennis Cunanan at former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa senate hearing dahil sa isang Cassandra Ong na may malaking problema sa PAGCOR.

Puwede na bang lagyan ng malisya ito Atorni?

 

Show comments