Pinakamatangkad na babae sa China, dinumog ng mga manliligaw matapos mag-viral online!

ISANG 25-anyos na babae na nahihirapan makahanap ng boyfriend dahil sobrang tangkad nito ang ngayo’y dinurumog ng mga manliligaw matapos itong mag-viral sa social media!

Bata pa lamang si Xiao Mai ay alam na ng mga magulang nito na sobra itong tatangkad dahil nasa grade 7 pa lamang ito noon ay six footer na ito. Hindi tumigil doon ang pagtangkad ni Xiao Mai dahil taun-taon ay nadadagdagan ang kanyang height ng 10 centimeters.

Naging basketball player siya ng kanyang high school pero tumigil dahil nagka-injury at mas pinili niyang mag-focus sa pag-aaral. Nga­yong 25 years old na siya ay umabot na sa 7 feet 5 inches ang kanyang height.

Dahil dito, kahit ang mga matatangkad na lalaki sa kanilang lugar ay nagmumukhang maliit sa kanyang tabi kaya hirap siyang magkaroon ng boyfriend.

Gumawa ng vlog ang ina ni Xiao Mai para makilala ito sa buong China at makahanap ito ng babagay sa kanyang anak.

Nag-viral sa Chinese netizens ang mga vlog nito hanggang dumagsa ang mga kumakatok sa kanilang pintuan para makipagkilala kay Xiao Mai.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakakahanap ng boyfriend si Xiao Mai at welcome pa rin sa kanilang tahanan ang mga gustong makipagkilala rito.

Show comments