^

Punto Mo

Health tips (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Pagkaing nagpapaliit ng bilbil:

Saging – mayaman sa fiber kaya tumutulong upang ma­ging regular ang pagdumi. Mababa lang ang calories at mabilis makabusog kaya maiiwasan ang pagtatakaw sa pagkain.

Maligamgam na tubig na may kahalong lemon juice. Nililinis ang bituka kaya naiiwasan ang pagdami ng pagkaing hindi mailabas at naiipon sa bituka. Kapag regular ang pagdumi, malaki ang ibinababa ng timbang.

Pipino – ito ay natural diuretic para maiwasan ang ­“bloating”. Tumutulong ito para tayo umihi at mailabas ang hindi kailangang tubig sa ating katawan.

Avocado – ito ang pumipigil para hindi tumaas ang blood sugar. Kapag tumataas ang blood sugar, naiipon ang fats sa ating waistline.

• Uminom muna ng maligamgam na tubig sa umaga pagkagising upang ma-rehydrate ka bago uminom ng kape.

• Gawin ang mga sumusunod upang magkaroon nang mahimbing na pagtulog:

Kiwi – ito ang kainin isang oras bago matulog dahil taglay nito ay serotonin na ­nagpapakalma ng nerves.

Almonds at cherry – Isang dakot na almonds na ibinabad sa juice ng cherry—mayroon itong magnesium na nagpaparelax ng isipan.

Inhale/Exhale – Mag-inhale ng 4 seconds, pigilan ang paghinga ng 7 seconds at mag-exhale ng 8 seconds.

Patayin ang ilaw.

Palamigin ang kuwarto.

Lavender oil – Mag-spray ng lavender oil upang matanggal ang anxiety.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with