^

Punto Mo

‘Hanger’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUWING Monday ang schedule ko sa ­paglalaba ng aking mga white uniform dahil iyon ang araw na wala akong pasok sa unibersidad. Hindi naman puwede akong maglaba ng Linggo dahil nagsisimba ako at gumagawa ng assignment.

Mabusisi ako sa paglalaba ng aking mga uniporme. Ikinukula ko muna ng isang oras ang aking limang uniform at saka babanlawan. Pagkatapos mabanlawan ng tatlong beses ay saka ko na isasampay ang aking mga white uniform. Maayos kong iha-hanger para walang gusot kapag natuyo. Ang ginagamit kong hanger ay kahoy na may stainless na hook. Matibay ang hanger na kahoy kaysa plastic na ginagamit ngayon.

Maganda ang sampayan ng damit sa second floor ng boarding house namin. Ang isang pintas ko lamang ay nabubulok na ang mga kahoy na barandilya at maaring mahulog ang hahawak dun kung hindi mag-iingat.

Kaya kapag nagsasampay ako ng mga uniform ay ingat na ingat ako. Hindi ako nagsasampay na malapit sa barandilyas. Ang babagsakan kapag nahulog ay ang tambak ng basura na hindi nahahakot.

Kanya-kanya kaming schedule sa paglalaba. Kaya walang pag-aagawan sa gagamiting planggana at pati sa gripo na gagamitin.

Isang araw ng Lunes, hindi ko akalain na mangyayari sa akin ang isang karanasang hindi ko malilimutan.

Kung hindi sa hanger baka wala na ako sa mundong ito.

(Itutuloy)

HANGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with