Pamilya sa U.S., tinaguriang ‘Tallest Family in the World’!

ISANG pamilya sa Minnesota, U.S. ang nakapagtala ng world record dahil ang lahat ng family members ay matatangkad!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Trapp Family ng Esko, Minnesota ang record holder ng titulong “Tallest Family in the World” dahil sa average height nila na 6 feet and 8 inches.

Ang pinakamatangkad sa pamilya Trapp ay ang kanilang bunso na si Adam na may height na 7 feet 3 inches. Pangalawa si Savannah at ikatlo ang kanilang ama na si Scott na parehas may height na 6 feet 8 inches.

Sumunod si Molly na 6 feet 6 inches at ang pinakamaliit ay ang ina ng tahanan na si Krissy na 6 feet 3 inches ang height.

Kung pagsasama-samahin ang kanilang height, aabot na ito sa haba ng isang tennis court.

Show comments