^

Punto Mo

DSWD nagbabala sa online scammers ng ayuda

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May babala ang Department of Social Welfare and Deve­lop­ment (DSWD) sa publiko na maging maingat at huwag mani­wala sa mga nakikita sa TikTok at iba pang social media accounts na nangangako ng educational assistance at ayuda mula sa ahensiya.

Ang babala ay ginawa ni DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao na nagsabing dapat na maging mapanuri ng publiko sa mga nakikita o nababasa sa social media na hindi sa opisyal na social media account ng tanggapan.

Sinasabing ginagamit ng mga kawatan ng ilang pekeng social media account para makakuha ng personal na impormasyon na pwedeng gamitin sa online scam at pagnanakaw.

Paliwanag ni Dumlao na  kailangang dumaan sa interview at assessment ng social worker upang makakuha ng financial aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ang AICS program ay isa sa mga serbisyo ng ahensya na nagbibigay ng cash assistance para sa pagkain, pamasahe, serbisyong medikal, pampalibing at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa kanilang educational assistance, ang DSWD ay may Tara, Basa! Tutoring Program, isang reformatted educational assistance program ng ahensya na naglalayong turuan ang mga kaba­taang hirap o hindi marunong magbasa.

Kailangan umano na ma-check ang sources ng impormasyon online at tanging sa official government websites at social media pages lang magtungo nang huwag mabiktima ng scams.

Laging tandaan, lahat ay gagawin ng mga kawatan makabiktima lang kahit pa ng mga mahi­hirap nating mga kababayan ay kaya nilang pagsamantalahan.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with