- Pagkaing nagpapakalma ng nervous system: dark chocolate, green tea, saging, blueberries, grapes, chia seeds, avocado.
- Mainam na kainin ang saging sa tanghali at huwag sa gabi.
- Inumin ang gatas sa gabi at huwag sa umaga.
- Mas mainam kumakin ng kanin sa araw pero iwasan o kaunti lang sa gabi.
- Mas mainam kumain ng mansanas sa umaga kaysa gabi.
- Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkain ng carrots: nanatiling healthy ang mata at paningin, nagpapababa ng blood cholesterol, nagpapababa ng tsansang magkakanser, nililinis ang bituka, nagpapalakas ng immune system.
- Pagkaing nagdadagdag ng tubig sa ating katawan: pipino, pears, oranges, pakwan, melon, strawberries, letsugas, celery, spinach, kamatis.
- Kumain ng mga sumusunod upang maiwasan ang “cramps” kapag may regla:
Papaya: kumain nito ilang araw bago dumating ang regla. Ang papaya ay may anti-inflammatory agent, vitamins A at C na pumipigil upang maiwasan ang muscle contraction o pamamaga ng kalamnan.
Basil: pakuluan sa isang tasang tubig ang ilang pirasong dahon. Palamigin at ito ang inumin sa maghapon.
Luya: Pakuluan ng 4 to 5 minutes ang mixture ng kalahating tasang ginayat na luya at dalawang tasang tubig. Haluan ng honey at calamansi ang salabat. Ito ang inumin 2 to 3 times a day habang may regla.