(Part 1)
NANGYARI ang karanasan kong ito noong ako ay nasa kolehiyo, taon 1980. Sa isang two-storey boarding house sa Legarda ako nakatira. Malapi lang doon ang pinapasukan kong unibersidad. Walking distance lang.
Lima kaming babaing boarder sa boarding house. Magkakasundo kami dahil pare-pareho kaming magkababayan.
Okey naman sa tinutuluyan naming boarding house. May sariling kitchen at dining area. Mayroon ding sariling laundry. Hindi pa gaanong uso ang washing machine kaya manu-mano ang paglalaba.
May sariling bilaran o pinagsasampayan ng mga damit para matuyo sa second floor. Open ang second floor. Ang hindi ko lang nagustuhan sa second floor ay mga bulok na ang nakaharang na kahoy nagsisilbing barandilya. Maaaring mahulog ang nagsasampay ng damit kapag napatuntong sa gapok na kahoy.
Kaya ingat na ingat ako habang nagha-hanger ng aking white uniform.
(Itutuloy)