8 teenagers, nakatanggap ng Guinness matapos mapuntahan lahat ang London subway stations!

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang walong teenagers matapos nilang mabisita ang lahat ng 272 London Underground station sa loob ng maikling oras!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang grupong “Amersham Ambushers” ang pinakabagong world record holder ng titulong  “Fastest Time to Travel to all London Underground stations”. Ito ay matapos nilang mabisita lahat ang 272 istasyon sa loob lamang ng 18 oras 8 minuto at 13 segundo.

Ang Amersham Ambushers ay binubuo ng walong magka­kaibigan na ang mga edad ay 16 at 17. Mga train enthusiast ang walong kabataan at nagsimula ang kanilang pagkakaibigan dahil sa hilig nila sa mga tren. Nagsimula ang kanilang record attempt sa Heathrow Terminal 5 station at natapos sa Amersham Station.

Show comments