^

Punto Mo

Mga paglabag pa ng POGOs, natutuklasan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TALAGANG matitindi ang natutuklasang mga paglabag ng ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Nito lamang nakaraang Sabado sinalakay ng National Bureau if Investigation (NBI) ang isang pinaniniwalaang sekreto nilang ospital sa Barangay San Isidro, Makati City.

Hindi umano lisensiyado ng Department of Health (DOH) ang klinika para mag-operate.

Bukod pa nga dito nasamsam din, ayon kay NBI Director Jaime Santiago ang mga Chinese medicines na hindi lisensyado ng Food and Drugs Administration (FDA) Philippine.

Tiniyak ni Santiago na hahalughugin pa nila ang ibang palapag ng three-storey building kung saan sinalakay ang nasabing klinika ng mga manggagawa ng POGO.

Nilinaw niya, na may nakatakas na hindi bababa sa dalawang suspek dahil hindi naman saklaw ng kanilang search warrant ang ibang palapag, kundi ang ground floor lamang, na nakarehistro bilang pharmacy, subalit ospital pala ng Chinese at Vietnamese POGO workers.

 Nalaman ng NBI na ang itaas ng gusali ay storage ng mga gamot na hindi na nila napasok.

Ayon pa sa NBI, posibleng konektado rin ang klinika sa iligal na POGO hub sa Calabarzon region na minomonitor nila.

Talagang malalakas ang loob ng mga ito sa mga paglabag mistulang walang kinatatakutan, palatandaan lang na may malalakas na kapit ang mga ito.

Yan ang mas dapat na talupan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with