MAKIKILALA mo lang ang tunay na ugali ng isang tao sa mga sumusunod na sitwasyon:
• Kapag nagkasama kayo sa pagbibiyahe sa abroad.
• Kapag pera na ang involve.
• Kapag nagkasama kayo sa iisang bubong.
• Kapag nagalit siya sa iyo.
• Kapag wala ka ng pera.
Paano mo mapapanatili ang respeto sa sarili mo?
• Huwag mong ipilit ang sarili sa ayaw na sa iyo.
• Kapag nagpaliwanag ka na, huminto ka na sa pagsasalita. Kung hindi sila maniwala, problema na nila ‘yun. Sila ang humanap ng pruweba na hindi totoo ang sinasabi mo.
• Kapag binastos ka, i-confront mo kaagad ang taong iyon.
• Huwag mag-entertain ng tsismis tungkol sa ibang tao.
• Huwag kang bibisita sa bahay ng isang tao kung hindi ka naman iniimbitahan nito, lalo na kung hindi naman siya bumibisita sa bahay ninyo kahit kailan.
Ninety nine percent ng iyong “adult problems” ay maiiwasan sana kung:
• Lagi kang nag-e-exercise.
• May second source of income ka.
• May three real friends ka.
• Kung matipid ka.
• Kung ang pinili mong propesyon ay iyong paborito mong gawin.
• Maayos ang iyong sleeping schedule.