^

Punto Mo

Maid of Honor (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG dumating si Yana sa condo, agad niyang ikinuwento ang nangyaring pambabastos sa kanya ng dalawang lasing habang pauwi at ang pagtatanggol sa kanya ng classmate na lalaki.

Gulat na gulat si Bianca sa narinig kay Yana.

“Kaya pala atrasado kang dumating. Tatawagan na sana kita at kukumustahin pero naisip ko na baka may inaaayos ka pa sa mga subject mo dahil sa matagal mong pag-absent. Yun pala ay may nangyari nang hindi maganda sa’yo.’’

“Opo Ate. Hindi ko nga rin po akalain na mayroon pang mga bastos sa kalye. Akala ko nun pang dekada 70 ang ganun. Hindi pala.’’

“Ako rin, Yana, akala ko wala nang mga bastos at siga sa kalye. Ang akala ko, ligtas na talaga pag naglalakad ngayon—hindi pa pala!’’

“Takot na takot talaga ako Ate. Akala ko, mapapahamak na ako. Hinahawakan na ako ng isa sa mga lalaki at hihipuan na!’’

“Diyos ko! Talagang napakawalanghiya.’’

“Dasal ako nang dasal Ate na iligtas.’’

“E sino naman yung lala­king tumulong sa’yo?’’

“Classmate ko Ate. Mahusay pala siya sa martial arts.’’

“Nilabanan niya ang dalawang lalaki? Nakaya niya?”

“Opo Ate.’’

“Sabi mo sasaksakin pa ang classmate mo?’’

“Opo. Pero mabilis pong napabagsak ng classmate ko ang dalawa. Hanggang  bumulagta sila pareho.’’

“Aba mahusay nga.’’

“Magaling po talaga.’’

“Mabuti at nasaklolohan ka. E guwapo naman ba?’’

Napahagikgik si Yana.

“Medyo guwapo po, he-he-he!’’

Nagtawa rin si Bianca.

Kinagabihan, hindi makapag-concentrate si Yana sa pag-aaral. Walang pumasok sa utak niya sa binabasang libro.

Pawang si Ram ang naiisip at naiimadyin niya.

Mahusay pala si Ram sa martial arts. Wala itong pinagkaiba sa mga bida sa pelikula na pawang bumagsak ang mga kalaban.

At ang isa pang nakapagpa-impress kay Yana ay ang sinabi ni Ram na siya ang magbabantay sa maysakit na ina kaya aabsent sa klase. Mabait na anak.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with