Ang pangangaliwa sa mag-asawa (Last part)

• Ayon sa pag-aaral ng University of Washington, ang kadalasang nagiging kabit ni Mister o ni Misis ay nakilala niya sa trabaho.

• Sa business trips nairaraos madalas ang ­pangangaliwa. Mataas ang tsansa na matuksong mangaliwa sa pagitan 6th  hanggang 9th years of ­marriage. Ito raw ang panahon kung kailan nagiging marupok ang isa sa mag-asawa o pareho.

• Inamin ng 32 percent ng mga babaeng nangaliwa na ang naging kabit nila ay dating boyfriend o dating crush. Nangangahulugan lang ito na old flames never die.

• Pero hindi masyado itong totoo sa mga kalalakihan. Maliit lang ang porsiyento na mangyari ito sa mga kalalakihan na makipagbalikan sa old flame.

• Tinanong ang mga adulterers (nangangaliwa) kung sa kabila ng paulit-ulit na pangangaliwa, naisip ba nilang iwanan ang kanilang legal na asawa. Ang sagot ay hindi.

• May iba namang nagsabi na kaya sila nangaliwa ay upang gumanti lang sa asawang naunang nangaliwa.

• Ang pagkakaiba raw ng “other woman” kaysa legal wife ayon sa lalaking nangangaliwa ay “the other woman made him feel wanted, loved, and appreciated”.

 

Show comments