^

Punto Mo

‘Susi’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko mahugot ang susi na nakapasok sa seradura o door knob. Parang naistak sa loob. Dati naman ay mabilis bunutin ang susi pero nakapagtatakang kumapit nang husto. Pinagpawisan na ako sa pagbunot ng susi pero ayaw talaga. Kahit pihitin ay ayaw kumilos.

Isang oras ang lumipas. Late na ako—sobra-sobrang late na sa trabaho.

Muli kong tinangkang bunutin ang susi sa seradura pero ayaw talaga.

Hanggang sa maisipan kong tawagin ang kapitbahay kong binata para magpatulong na alisin ang susi.

Tinawag ko si Zandro sa kabilang bahay.

Lumabas si Zandro. Guwapo si Zandro.

“Patulong naman Zandro.’’

“Para saan?’’

“Hindi ko maalis ang susi sa seradura.’’

“Sure.’’

Sumama si Zandro sa akin.

Itinuro ko ang susi na nakapasok sa door knob.

Hinawakan ni Zandro at walang anumang binunot.

“Wala naman problema ah,’’ sabi at iniabot sa akin. Tulala ako.

“Salamat Zandro!’’

Pumasok pa rin ako.

Sumakay ako ng dyip. Pagdating sa may riles, maraming tao. Nagtaka ako. Saka ko nalaman na isang dyip ang nakaladkad ng tren at maraming namatay.

Nang matanaw ko ang dyip na nakaladkad, iyon ang dyip na sana ay sasakyan ko kanina. Nanindig ang aking balahibo. Kung hindi ko binalikan ang susi sa bahay baka isa na akong bangkay.

Iniligtas ako ng susi sa kamatayan.

KEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with