College student, nakapagsulat ng libro sa loob lamang ng 9 na oras!
ISANG college student sa India ang nakapagtala ng world record matapos siyang makapagsulat ng libro sa loob ng siyam na oras.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Rajdeep Kashyap ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Book Writing”.
Ito ay matapos niyang masulat ang librong ‘Jonmo Prem Mrityu – Kisu Byogyanik Kisu Aaloukik’ (Birth Love Death – Some Scientific Some Supernatural) sa loob lamang ng siyam na oras.
Isang botany student si Kashyap sa Nalbari College at naisipan niyang makuha ang world record na ito nang mabalitaan niya ang tungkol sa isang estudyante sa Rajasthan na nakapagsulat ng libro sa loob ng tatlong araw.
Sa panayam kay Kashyap, mas gusto pa rin niyang maging botanist at gagawin lamang niyang hobby ang pagsusulat.
- Latest