^

Punto Mo

Maid of Honor  (171)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat si Yana nang bigla siyang salubungin ng dalawang lalaki na lasing sa alak o bangag sa droga. Ngayon lang siya nakaranas na lapitan ng lalaki sa lugar na ito. Sa tagal na niyang dumaraan dito, ngayon lamang may humarang sa kanya. Baka dayo rito ang mga lalaki.

“Sige na Miss, pasabay!’’ sabi uli ng isa sa mga lalaki. Namumungay ang mga mata ng lalaki. “Napakaganda mo kasi. Mahilig kami sa maganda,’’ sabi pa ng lalaki at sumabay na ito sa paglalakad niya.

Ang ikalawang lalaki ay sumabay na rin sa kanya. Pero nagpakatatag si Yana. Hindi siya dapat masiraan ng loob. Hindi rin siya gagawa ng aksyon na ikaiirita ng dala­wang lalaki. Nabasa niya sa FB na huwag magpapakita nang paglaban at sa halip ay daanin sa diplomasya at kung hindi uubra ay tumakbo o iwasan kung may pag­kakataon.

“Oo nga Miss, pasabay kami. Napakaganda mo talaga,’’ sabi ng ikalawang lalaki at sumabay na sa kanya.

Patuloy na naging kalmado si Yana.

Nakapagtataka naman na wala siyang makitang tao sa paligid na hihingian ng tulong.

Tatakbo siya. Bahala na!

Pero nang akma siyang tatakbo, hinawakan siya sa kamay ng isa sa mga lalaki.

“Bitiwan mo ako!’’ sabi ni Yana at winaksi ang kamay.

“Aba suplada ka ha?’’ sabi ng lalaki at akma siyang yayakapin.

Pero may biglang ­sumigaw.

“Layuan n’yo siya!”

Si Ram! (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with