^

Punto Mo

Maid of Honor (170)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG matapos ang kanilang klase, muling sumabay si Ram kay Yana pauwi. Habang nag­lalakad ay nag-uusap sila.

“Saan ka nakatira Ram? Baka napapalayo ka ng way dahil sa pagsabay sa akin?’’

“Hindi.’’

“Saan ka nga nakatira?’’

“Malapit lang din dito.’’

“Hindi ka mapapalayo.’’

“Hindi.’’

Pagkatapos siyang ihatid ni Ram ay umuwi na rin ito. Palihim niyang sinundan ng tingin si Ram at nakita niya na sa isang condo rin sa di-kalayuan ito umuwi.

KINABUKASAN, nagtaka siya na absent sa klase si Ram. Nang mag-uwian dakong 12:00 ng tanghali, mag-isa siya. Ba’t kaya absent si Ram?

Nasa ganun siyang pag-iisip nang dalawang lalaking tambay ang lumapit sa kanya.

“Miss Ganda, puwede sumabay?’’ sabi ng isa na parang lasing.

“Oo nga Beauty, pasabay kami,’’ sabi naman ng kasama nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with