Manok na kayang kumilala ng numeroat letra, nakatanggap ng Guinness Record!

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang alagang manok sa Canada dahil sa kakayahan nitong kumilala ng mga numero at letra sa loob ng 1 minuto.

Kinumpirma ng Guin­ness Records na ang manok na si Lacy ang pinakaunang title holder ng “Most Identifications­ By a Chicken in One Mi­nute”. Ito ay matapos makakilala ng anim na letters, numbers at colors sa loob ng 1 minuto.

Si Lacy ay alaga ng veterinarian na si Emily­ Carington na nagti-training ng mga manok para pag-aralan kung gaano katalino ang mga ito. Mapapanood ang research niya sa YouTube channel The Thinking Chicken.

Ang manok na si Lacy na kayang kumilala ng numero at letra.

Show comments