^

Punto Mo

‘Tagpi’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

HINDI lamang sa mabangis na kobra ako iniligtas ni Tagpi kundi sa marami pang pagkakataon. Hindi ako pinabayaan ni Tagpi.

Nasa huling taon ako sa high school nang muntik na akong malunod sa ilog na pinagliguan namin ng kapatid ko. Noon ay Sabado. Niyaya ko ang bunso naming kapatid na samahan ako sa ilog. Ayaw sumama ang kapatid ko dahil mayroon daw siyang gagawing assignment. Ang iba ko pang kapatid ay kasama ni Inay at dumalo sa isang bertdeyan. Si Tatay ay nagbiyahe ng palay at mais sa pier.

Dahil sa pamimilit ko, sumama ang aking kapatid. Isinama namin si Tagpi.

Pagdating sa ilog, ako lamang ang naligo sa ilog sapagkat ang kapatid ko biglang sumakit ang ulo. Nagbantay siya sa pampang kasama si Tagpi.

Sarap na sarap ako sa paliligo nang biglang nagdilim ang papawirin. At sa isang iglap, lumaki ang tubig sa ilog. Naging malabo ang tubig. Naabot ako sa gitna nang rumagasa ang tubig.

Nagsisigaw ako. Humingi ng tulong. Nataranta ang kapatid ko. Hindi alam ang gagawin. Ako ay tinangay nang malakas na agos. Napadpad sa kung saan-saan. Pero habang napapadpad ako, sinusundan pala ako ni Tagpi. Nasa pampang siya at walang tigil ang pagkahol. Kung saan-saan ako napadpad pero nanatiling nakasubaybay si Tagpi. Kahol nang kahol.

Hanggang sa mailigtas ako ng mga tao na naka­rinig sa kahol ni Tagpi. Ikalawang buhay ko. Hindi ko malilimutan ang pagliligtas sa akin ni Tagpi.

Kahit matagal nang patay si Tagpi, lagi kong naaalala ang ginawa ng aking matapat na alaga.

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with