Lalaki na may pinakamalaking koleksyon ng soccer jersey, nakatanggap ng Guinness World Record

ISANG soccer fan sa Brazil ang nakapagtala ng world record dahil sa libu-libo nitong koleksyon ng jersey ng mga sikat na soccer players!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Cassio Brandao ang pinakabagong record holder ng titulong “Largest Collection of Soccer Shirts” dahil sa koleksyon nito na umabot na sa 6,101 shirts.

Ayon kay Brandao, nagsimula siyang ­mangolekta ng mga soccer jersey noong 2000. Lahat ng mga soccer jersey sa kanyang koleksyon ay mahalaga pero ang pinaka-priceless umano para sa kanya ay ang jersey ng yumaong soccer legend na si Edson Arantes do Nascimento o mas kilala sa tawag na Pele.

Sa laki ng kanyang koleksiyon, hindi na niya ito maitago sa kanyang bahay at inilagay na niya ang mga ito sa opisina ng itinayo niyang collector’s club na Alambrado Soccer & Culture sa Sao Paulo, Brazil.

Show comments