^

Punto Mo

POGO death march sa Pilipinas, lalarga na ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HAWAK na nina Sen. Risa Hontiveros at Win Gatchalian ang katibayan na hindi Pilipino si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Malaki ang posibilidad na kasosyo ito sa illegal POGO hub na natuklasang nag-eespiya sa sensitibong galaw ng gobyerno.

Nakupo!

Lumutang ang isa sa mga palsipikadong POGO incorporators na si Merlie Joy Manalo. Kinilala nito ang ibang incorporators na sina Thelma Laranan, Rowena Evangelista at Rita Itoralde.

Si Laranan ay vendor ng gulay samantalang si Evangelista ay nagrarasyon ng almusal at si Itoralde ay tindera ng ihaw-ihaw sa Bamban Public Market.

Market vendors na biglang yumaman na ‘di nila nalalaman.

Ayos!

Nag-ala-“Leon Guerrero” naman si Sen. Lito Lapid sa pagsasabing magre-resign siya sa Senado kapag napatunayang pag-aari niya ang kinatitirikan ng illegal POGO hub sa Porac, Pampanga. Peksman! Cross your heart?

Pinipersonal lang daw siya ng isang vlogger. Baka naman may dahilan! Anong sey mo Abe Toto “Bunyog” Causing?

Sigurado raw na babaha ng pera mula sa POGO ang 2025 election. E di may katapat na ang pork barrels nina Sen at Cong?

Masayang eleksyon ito!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with