^

Punto Mo

Maid of Honor (165)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKIUSAP si Yana kina Honor at Bianca na huwag nang sabihin kay Inah ang nangyari sa kanya.

“Ayaw ko pong mag-alala sina Itay at Inay. Isa pa hindi naman malubha ang nangyari sa akin,’’ sabi nito sa mag-asawa.

“Kung yan ang gusto mo Yana. Pero kailangang magpagaling ka nang husto rito sa ospital. Mas mabuti nang magaling na magaling ka na bago lumabas.”

“Pero wala na akong nararamdamang sakit, Ate.’’

“Hindi! Kailangang magaling na magaling ka. Ang doktor ang magsasabi kung kailan ka dapat lalabas.’’

“Oo nga Yana. Mahirap na lumabas ka na mayroon pang nararamdamang sakit o kirot.’’

“Kayo po ang masusunod Ate. Ang inaalala ko rin po ay ang gastos dito sa ospital. Puwede naman akong magpagaling sa bahay.’’

“Dito ka magpapagaling, Yana,’’ sabi ni Bianca.

MAKARAAN ang dalawang linggo, magaling na magaling na si Yana at binigyan na ng clearance ng doktor na makalabas. Pero pinayuhang bumalik para sa checkup.

Sabik na sabik si Yana nang umuwi sa bahay.

“Huwag ka munang gagawa nang mabigat, Yana. Ako muna ang gagawa ng mga ginagawa mo dati,’’ sabi ni Bianca.

“Ibig mong sabihin Ate, ikaw ang maid at ako ang amo?”

“Oo. Gusto kong maranasan na maging maid.’’

Nagtawa si Yana.

“Hindi bagay sa’yo Ate.’’

Humalakhak si Bianca.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with