^

Punto Mo

‘Tagpi’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 3)

HINDI pihikan sa pagkain si Tagpi. Kahit kanin lang sarap na sarap ito. Pero pinakapaborito niya ang sinaing na tulingan na hihimayin at ihahalo sa kanin. Marami rin kung uminom ng tubig si Tagpi. Sinanay ko siya na uminom ng tubig pagkatapos kumain.

Magkakatabi kaming magkakapatid kung matulog pero nang dumating sa amin si Tagpi ay katabi ko na siyang matulog. Kaya nakapuwesto ako sa dulo ng banig at nasa paanan ko si Tagpi. Wala namang reklamo ang mga kapatid ko kung katabi namin si Tagpi.

Bukod sa naturuan kong sa labas ng bahay dudumi at iihi si Tagpi, naturuan ko rin siyang mag-abot ng aking tsinelas kapag dumarating ako sa school. Tangay-tangay niya ang tsinelas at iaabot sa akin. At hindi lamang ako ang inaabutan niyan ng tsinelas kundi maging si Itay at aking mga kapatid.

Ang nakakatuwa kay Tagpi ay nang matuto itong lumakad gamit ang dalawang paa. Bukod doon, lumalakad din ito na parang pilay. Mahilig siyang manggaya.

Kaya nagtatawanan kami kapag nagpapalabas ng husay niya si Tagpi sa paglalakad gamit ang dalawang paa sa saliw ng tugtog. Aliw na aliw kami sa ginagawa ni Tagpi.

Tuwing darating ako ng alas dose ng tanghali mula sa school ay nakaabang na siya sa gate ng aming bahay. Kabisado na niya ang oras ng aking pagdating.

Isang tanghali pag-uwi ko, nakita ko ang isang kobra sa aking daraanan. Siguro ay mga ilang metro na lang ang layo ko sa gate ng aming bahay.

Itinaas ng kobra ang kanyang ulo at handang manuklaw!

(Itutuloy)

vuukle comment

TAGPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with