^

Punto Mo

Mga engineer sa Netherlands, nakabuo ng pinakamahabang bisikleta sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga engineer sa Prinsenbeek, Netherlands ang nakapagtala ng world record matapos silang makabuo nang pinakamahabang bisikleta sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na sina Ivan Schalk, Joost Sweep, Jimmy Vermeeren, Sander Vissers, Bas Zuidema, Steffie van de Riet, Daan Husson, Toine Kleemans, Jasper Korving and Op De Beek Hebben We De Langste ang nakagawa ng “Longest Bicycle” dahil may haba itong 55.16 meters o 180 feet and 11 inches. Maikukumpara ito sa taas ng Leaning Tower of Pisa sa Italy na may walong palapag.

Ayon sa leader ng grupo na si Ivan Schalk, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makabuo nang mahabang bisikleta. Simula nang mabasa niya sa librong Guinness Book of World Records na maa­aring makagawa ng mahabang bisikleta, naging isa na ito sa kanyang life long dream.

Nagtatrabaho si Ivan Schalk na tagagawa ng mga festival float at sinimulan niyang gawin ang bisikleta noong 2018 sa tuwing wala siyang ginagawa. Natigil ang paggawa ng bisikleta ng dalawang taon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Matapos itong parangalan ng Guinness, ididispley ang bisikleta sa local history museum ng Prinsenbeek.

vuukle comment

BIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with